“Budol sponsorship”? Toni Fowler denies paying for her Star of the Night Award: “Di ako nagbayad dun.”

admin

imageSinagot ng content creator na si Toni Fowler ang paratang ng ilang netizens na binili niya umano ang hinakot nitong awards kamakailan.Si Toni ay kilalang vlogger, at madalas niyang kasama ang mga kaanak at kaibigan niyang tinagurian niyang Toro Family.Read: Toni Fowler gives tour of her new home called “Toro De Palacio” Isa si Toni at ang buong Toro Family sa mga pinarangalan sa 2022 Global Trends Business Leaders Awards na naganap sa Okada Manila, nitong February 28, 2022.Tatlong awards ang naiuwi ni Toni kabilang ang Outstanding Social Media Influencer, Iconic Content Creator, at Star of the Night.Nakuha naman ng buong Toro Family ang Phenomenal Family of Social Media Stars in the Philippines award.

Bukod kay Toni at sa Toro Family, nakapag-uwi rin ng awards ang ibang kilalang content creators na sina Camille Trinidad, Kathleen Melendez, at Ish de Vera.Pinarangalan din ang ilang celebrities kabilang sina Glaiza de Castro, Heart Evangelista, Derrick Monasterio, Kim Molina, Jerald Napoles, Miss International Philippines 2021 Hannah Arnold, Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez, at Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.Nitong nakaraang linggo, usap-usapan sa social media ang isyung nagbayad umano ang ilang di pinangalanang content creators para makapag-uwi ng award.

Isa ang YouTube vlogger na si Jinky Cubillan Anderson, o mas kilala bilang Madam Kilay, sa nag-post tungkol dito.Ito ay matapos niyang makakuha mula sa kanyang fans ng mga tanong kung bakit hindi siya napabilang sa social media content creators na nakapag-uwi ng awards kamakailan.

Noong March 5, 2022, inihayag ni Madam Kilay na nakatanggap siya ng offer na mabigyan ng award kapalit ng karampatang halaga.Pahayag niya (published as is): “Marami po nag alok sakin ng award na kesyo Top si slimming-K and Madam Kilay for best influncer.

“Hindi ko po tinanggap ang award dahil May BAYAD [emoji] ano un bbgyan ka ng award Pero mag babayad ka kung gusto mo umakyat ng stage and my photos mo SA screen.”May mga package Kang pag pipilian [emoji] KALOKA! Aakyat SA stage to get your trophy at mag salita P200K ??! pinaka mababa na P70K!! “Hindi ako mag PAPABUDOL SA GNYAN! [emoji] Kahit May pera ka pa mag focus ka SA quality ng product mo and alagaan mo! “But I understand kase hindi naman sila gagastos SA Venue na pang shala shala and food Pati mga trophy etcetera kung Wla naman sila mapapala! #Justsaying But I congratulate all! More business to us! “Well Kahit wlang award ang product ko I must say LUMALABAN yarn! [emoji] social media influencer we’re all equal to make our followers happy because of our content.” Related Facebook post Noong March 11, 2022, nagpakawala uli si Madam Kilay ng isang oras na Facebook Live para panindigan ang kanyang binitiwang salita.Para kay Madam Kilay, nagpabudol umano ang awardees sa award-giving organizations na inalok ng “sponsorship” deal bago makuha ang award.”Itong mga organization, yan yung mga eksenang nagpapa-sponsorship kineso.

Sponsorship ng ano? Kung talagang bibigyan niyo yung isang vlogger ng award, hindi na kayo magpapabayad para sa award nila.”Sa totoo lang, it’s a scam, scam yun! Kung sino man yung mga nagbayad na mga vlogger o mga business ganun, mga nagpauto kayo ‘te.I’m telling the truth! Pinabudol niyo lang yung sarili niyo sa ganyang klaseng organization.”Nagsasabi ako ng totoo kasi yun ang totoo.” Pagkuwestiyon pa ni Madam Kilay (published as is): “Sabi o, ‘Most Outstanding Entrepreneur in 2021.’ Isang buwan pa lang yung produkto mo, hindi mo pa nga nailalabas, may award ka na? Ulul! Kalokohan yung ganun!” Related Facebook post Ilang influencers din ang may parehong experience gaya ni Madam Kilay.Kabilang dito ang TikTok content creator na si Nicole Caluag at ang founder and CEO of Ryx Skincerity na si Rica Detiquez.

Hindi tinukoy ni Madam Kilay, maging nina Nicole at Rica, kung aling award-giving body o organization ang sinasabi nilang nagpapabayad bago magbigay ng award sa content creators.Pero base sa comments ng netizens, hindi maiwasang maiugnay ito sa kakatapos na Global Trends Business Leaders Awards kunsaan naparangalan ang ilang content creators.Agad namang itinanggi ng organizers ng Global Trends Business Leaders Awards ang pagkakadawit nito sa kontrobersiya.Ang buong statement ng Global Trends Business Leaders Awards sa kanilang Facebook noong March 6, 2022: “The awardees of the recently concluded 2022 Global Trends Business Leaders Awards are chosen and nominated for eligibility consideration.”The committee reviews the submitted materials and selects those candidates who are deemed most deserving of recognition and whose achievements most closely fit the category for which they have been nominated.” Related Facebook post Nitong Lunes, March 14, 2022, naglabas si Toni ng statement sa kanyang TikTok account para pabulaanan ang paratang na binayaran niya ang awards na natanggap.Kasalukuyang nagpapagaling si Toni sa ospital matapos nitong mahilo at magsuka.Sa kanyang 3-minute TikTok video, sinabi ni Toni na ayaw na sana niyang patulan ang isyu, pero marami raw netizens at fans ang nagtatanong sa kanya tungkol dito.

Aniya, “Daming nagta-tag sa akin, daming kung anu-anong sinasabi, daming tanong sa akin.Pasensiya na, busy ako magpa-fresh dito sa ospital.

“Regarding dun sa nagsasabi about sa nagbayad sa award, alam niyo naman, nandun kami.Ang daming nagtatanong sa akin, ang daming nagta-tag.

“Sa totoo lang, bukod sa nagpapagaling ako at may sakit ako, medyo wala akong pakialam dun.Alam niyo kung bakit? “Ayoko sana talagang magsalita tungkol dun.Ayoko kasi sana.Pero kasi I really think I have to.Obviously, ako yung isa sa mga sinasabing feel na feel ko daw yung award namin.” Tila napanood din ni Toni ang live stream ni Madam Kilay tungkol sa content creators na nagpabudol sa di pinangalanang award-giving body.Diin ni Toni, hindi siya apektado sa patutsadang “real talk” ni Madam Kilay dahil hindi raw siya nagbayad ng sponsorship para sa kanyang award.Paliwanag ni Toni, “Di ako masyadong apektado sa pagbuking sa live at pagmudmud sa mukha na, ‘Oh, real talk yun, ey! Masakit yun!’ “Di ako nasaktan dun.Di lang ako masyado nagsalita kasi real talk para sa iba.

Kasi actually, hindi ko nga alam na may ganun, e.”Pero alam niyo kung ano yung real talk kung bakit hindi talaga ako nasaktan? Dahil…Bakit hindi apektado si Mommy Oni? “Kasi di ako nagbayad dun.Wala akong nilabas dun.” Ang tanging binayaran daw ni Toni ay ang “per plate” na meal na kinain niya pati na ang 13 katao na miyembro ng Toro Family na kasama niya sa event.Patuloy na paliwanag ni Toni: “Pero ang totoong nangyari talaga nun, sinabi ko na gusto ko isama yung pamilya ko, then nagka-award yung pamilya ko, at ang binayaran ko lang is per plate, magkano lang para sa pamilya ko.” Muling pagdiin ni Toni: “Feel na feel ko talaga yung award ko kasi I really am the Star of the Night.Halata naman at hindi ko binayaran iyan kaya hindi ako apektado sa ‘real talk’ na iyan.”Dahil ang real talk diyan, hindi ako nagbayad sa award ko.I really am the Star of the Night.

“Basta lang, ang alam ko na nominee ako at gusto ko pumunta dahil gusto ko mag-gown, gusto ko makakita ng ibang tao, gusto ko rin makapunta ng Okada kahit anytime kaya ko naman pumunta.”Wala lang, parang trip ko lang kasama yung pamilya ko, at makakita ng ibang tao.”At ako, sobrang saya ko nung araw na yun dahil nakita ko sa wakas ang idol ko at nakausap ko na si Kim Molina.Sobrang saya ng araw na yun, sobra!” Katuwiran pa ni Toni, deserve ng awardees ang kanilang mga parangal magbayad man sila ng sponsorship o hindi.”Parang iPhone lang iyan, gusto mo ng iPhone, may pera ka, binili mo.P i**.deserve mo iyan.”Kung binili mo yung award, nag-gown ka ng maganda, bumili ka ng gown na maganda, nagpa-makeup artista ka, nagbayad ka, p i**, nagbayad ka nang nagbayad dahil gusto mong ma-experience ang gabing iyon, deserve mo iyan.

“Walang kahit na sinong magsasabi sa ‘yo na di mo deserve ang isang bagay na pinaghirapan mo o ginawa mo dahil gusto mo siya ma-achieve, dahil gusto mo siya mapuntahan, dahil gusto mo siya ma-experience.”So, lahat ng nandun, deserve niyo lahat yun.”Deserve nating lahat yun na ma-experience ng ganun dahil pinili natin yun.Choice natin ‘to.

Wala silang pakialam.Wala silang pakialam dahil wala silang ambag.”Pagkatapos ng awards night na yun, nagsama-sama kami, nag-KTV kami.Ang saya-saya namin.”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Next Post

3-year-old accidentally shoots his mom to death in family's car in a suburban Chicago supermarket parking lot - CBS News

A 3-year-old boy accidentally shot his mother to death as the family was sitting in their car in a suburban Chicago supermarket parking lot, police said.The woman was shot Saturday in Dolton and pronounced dead at a hospital, police said. The family was sitting in their car outside a Food […]
3-year-old accidentally shoots his mom to death in family’s car in a suburban Chicago supermarket parking lot – CBS News

Subscribe US Now